Para kina Kaye, Josh, Kev, Crey, at Miggy,
Online check?
Una iisipin niyo marahil kung bakit ako napasulat. Bukod sa nasabihan kaming ganito ang tema, nais ko talagang sabihin sa inyo ang nasa isip at puso ko. Hindi ito para kina Kaye, Josh, Kev, Crey at Miggy lamang kundi para sa lahat ng magkakaibigan na ang kalaban ay ang lokasyon.
Follow.
Nagsimula ang lahat sa simpleng follow button. Nagsimula ang lahat ng binuksan ko ang inyong mga blog na kasalukuyang may URLs na gkayeespinoza, jshrms, yuanlance, haistnako at creysostomo. Hindi natapos sa pag-follow ang samahan natin. Matagal-tagal pa bago nabuo ang ating samahan. Araw, linggo at buwan pa ang binilang bago tayo naging sobrang close na magkakaibigan.
O diba, nang dahil kay Ginoong David Karp, nagkaroon ako ng limang maliligalig na matalik na mga kaibigan.
Kayo ang best friends ko. Kayo ang nagsisilbing kasama ko sa bawat araw na masaya ako, malungkot, nag-iisa, baliw at samu’t-sari pa. Alam niyo namang sa inyo lagi ako tumatakbo sa tuwing may problema ako.
Hindi lamang pang-mag-syota ang LDR o long distance relationship.
Alam kong mahirap na ang magsisilbing best friends mo, malayo sa’yo. Best friends tapos nasa ibang lugar? Ano ito, lokohan? Pero naiisip ko pa rin na pwede din pala, na ang mga taong malayo sa’yo ang magsisilbi mo pang kaagapay sa lahat. Iba-iba ang lugar na pinanggalingan natin. Ang nakakatuwa pa, hindi pa tayo nagkikita. Pero sabi nga nila, pag gusto, may paraan.
Check blogs.
Naalala mo ba Kaye noong nagtanong ako tungkol sa condom? Maya-maya, may response na agad galing sa isang babaeng galing Canada. Na-attract agad ako sa kanyang ngiting nakaka-akit, ngiting nakakahalina at utak na puno ng istorya. Doon nagsimula ang lahat. Nagkausap na tayo halos araw-araw. Kalaban pa natin ang oras kasi gabi sa Pilipinas pagkatapos umaga diyan sa Canada. Mahirap ituloy ang ating pagkakaibigan pero nai-push pa dahil masaya tayo sa isa’t-isa.
Nais kong magpasalamat dahil sa panahong malungkot ako, nariyan ka para kausapin ako agad; nariyan ka para itanong agad kung anong maitutulong mo; nariyan ka para ipakita ang pictures mong nakakatawa at bago matapos ang araw, nakangiti na agad ako.
At sa totoo, crush talaga kita.
Pero hindi ko naituloy ang pag-crush sa’yo dahil sa aking kinakapatid at ka-kambal na si Josh. Si Josh na umalis sa Tumblr ngunit bumalik at tinanggap ko ng buong-buo. Skype pa lamang, utas na kami. Kahit sa Qatar ka pa galing, pinaramdam mo sa akin na may makakasama akong kapatid sa tuwing may nais akong ibahagi.
Naalala mo pa ba noong nag-aminan tayo na crush natin pareho ang best friend nating si Kaye? Diba noong panahong iyon, nagkaroon tayo ng kasunduan na hindi siya popormahan. Awa ng Panginoon, natupad naman natin iyon. Salamat na lamang at nagka-unawaan tayo.
Nadagdag pa sa ating samahan ang singer na si Kev. Hindi mo pa ako fino-follow back noon kaya naiinis ako. Ay, follow back lang pala ang habol. Pero matapos ay okay na at naging close tayo kahit nariyan ka sa Tuguegarao na nahihirapan ako i-spell hanggang ngayon.
Wala akong sawang makinig sa mga joke mong korny, sa mga kanta mong nakaka-insecure ng boses, sa mga banat mo na nakaka-hatak ng atensyon at sa mga payo mo na hindi mo aakalain na mang-gagaling sa isang taong ang alam lamang ay tawanan ang mundo.
Aba at mula parin diyan sa Tuguegarao, sumulpot ang pinakamatagal ko nang kakilala pero hindi close na si Miggy. Oo, ikaw Miggy na masayang masaya sa love life, ang tanging may love life sa atin. Pero lahat may katapusan pero pinaramdam namin na kami ang tunay na nagmamahal sa’yo. Ay, masyadong makasarili. Nayayabangan pa naman ako sa iyo dati hanggang sa nagkausap at text na tayo.
Nabigla ako noong napasama ka sa grupo kasi matagal ko nang nais kang makasama sa grupo. Buti na lamang, buti na lamang at pare-pareho tayo ng trip. Yun nga lang, pag may kaaway ka, wag ka laging magsususmbong kasi ako ang nagmumukhang masama dahil narito ako para ipagtanggol ka, dahil kaibigan kita.
Ang pasayahin ako ang hindi nakakalimutang gawin ni Crey ng Laguna. Alam mo namang nakakausap nadin kita, at close na din agad kita. Sa text, lagi na lamang may kalandian kang kwento, at magbabahagian tayo ng mga joke na korny. Sa tuwing may problema ako at problema ka, isang text lang, magu-usap na agad. Ikaw ang pinaka-fresh na naging bestfriend ko, sa ating grupo. Pero naroon parin ang saya kasi hindi ka takot na sumabay sa amin kahit alam mong bago pa lamang at matagal na ang samahan naming lima pa. Diyan kita hinahangaan, sa tapang at galing mong makisama.
Maraming salamat sa inyo, sa inyong mga kaibigan ko. Kahit pa galing Canada, Qatar, Tuguegarao at Laguna kayo, pakiramdam ko malapit lang kayo sa akin. Pakiramdam ko sumigaw lang ako mula sa aking kwarto, makakatakbo na agad kayo para kausapin ako. Inspirasyon ko kayo para pasayahin ko ang sarili ko.
Kayo ang nagsisilbing lakas at ligaya ko.
Pero ang awkward ng liham na ito dahil never pa tayong nag-dramahan at nag-seryoso at yan ang gusto ko sa inyo. Hanggang sa susunod na blog post, tweet, Skype at text ulit, mga best friends.
Ang inyong minamahal,
Eythan